Surah Hūd (Hud — هود) (Talata 3)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




11 Hūd(هود), Talata 3

وَأَنِ اسْتَغْفِرُوا رَبَّكُمْ ثُمَّ تُوبُوا إِلَيْهِ يُمَتِّعْكُمْ مَتَاعًا حَسَنًا إِلَىٰ أَجَلٍ مُسَمًّى وَيُؤْتِ كُلَّ ذِي فَضْلٍ فَضْلَهُ ۖ وَإِنْ تَوَلَّوْا فَإِنِّي أَخَافُ عَلَيْكُمْ عَذَابَ يَوْمٍ كَبِيرٍ 3 ٣

[Ipinasasabi sa Sugo:] “Na humingi kayo ng tawad sa Panginoon ninyo, pagkatapos magbalik-loob kayo sa Kanya, magpapatamasa Siya sa inyo ng isang natatamasang maganda hanggang sa isang taning na tinukoy at magbibigay Siya sa bawat may kabutihang-loob ng kabutihang-loob dito. Kung tatalikod kayo, tunay na ako ay nangangamba para sa inyo ng pagdurusa sa isang araw na malaki. (3)

Tafsīr
Humiling kayo, O mga tao, ng kapatawaran sa mga pagkakasala ninyo mula sa Panginoon ninyo. Manumbalik kayo sa Kanya kalakip ng pagsisisi sa anumang nagkulang kayo sa panig Niya, magpapatamasa Siya sa inyo sa buhay ninyo sa Mundo ng isang natatamasang maganda hanggang sa oras ng pagwawakas ng mga taning ninyong itinakda at magbibigay Siya sa bawat may kabutihang-loob sa pagtalima at paggawa ng isang ganti sa kabutihang-loob nito nang kumpletong walang ibinawas. Kung aayaw kayo sa pagsampalataya sa inihatid ko mula sa Panginoon ko, tunay na ako ay nangangamba para sa inyo ng isang pagdurusa sa isang araw na matindi ang mga hilakbot, ang Araw ng Pagbangon.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba