Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Hūd — Talata 3 (Tagalog) — Bidyo

Hūd • Talata 3 sa 123 • Tagalog


وَأَنِ اسْتَغْفِرُوا رَبَّكُمْ ثُمَّ تُوبُوا إِلَيْهِ يُمَتِّعْكُمْ مَتَاعًا حَسَنًا إِلَىٰ أَجَلٍ مُسَمًّى وَيُؤْتِ كُلَّ ذِي فَضْلٍ فَضْلَهُ ۖ وَإِنْ تَوَلَّوْا فَإِنِّي أَخَافُ عَلَيْكُمْ عَذَابَ يَوْمٍ كَبِيرٍ 3
Pagsasalin:
[Ipinasasabi sa Sugo:] “Na humingi kayo ng tawad sa Panginoon ninyo, pagkatapos magbalik-loob kayo sa Kanya, magpapatamasa Siya sa inyo ng isang natatamasang maganda hanggang sa isang taning na tinukoy at magbibigay Siya sa bawat may kabutihang-loob ng kabutihang-loob dito. Kung tatalikod kayo, tunay na ako ay nangangamba para sa inyo ng pagdurusa sa isang araw na malaki. Hūd 11:3
Tafsīr:
Humiling kayo, O mga tao, ng kapatawaran sa mga pagkakasala ninyo mula sa Panginoon ninyo. Manumbalik kayo sa Kanya kalakip ng pagsisisi sa anumang nagkulang kayo sa panig Niya, magpapatamasa Siya sa inyo sa buhay ninyo sa Mundo ng isang natatamasang maganda hanggang sa oras ng pagwawakas ng mga taning ninyong itinakda at magbibigay Siya sa bawat may kabutihang-loob sa pagtalima at paggawa ng isang ganti sa kabutihang-loob nito nang kumpletong walang ibinawas. Kung aayaw kayo sa pagsampalataya sa inihatid ko mula sa Panginoon ko, tunay na ako ay nangangamba para sa inyo ng isang pagdurusa sa isang araw na matindi ang mga hilakbot, ang Araw ng Pagbangon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Hūd • Talata 2 Susunod Hūd • Talata 4