[Ipinasasabi sa Sugo:] “Na huwag kayong sumamba kundi kay Allāh. Tunay na ako para sa inyo mula sa Kanya ay isang mapagbabala at isang mapagbalita ng nakagagalak.” Hūd 11:2 ⧉
Tafsīr:
Ang nilalaman nitong mga talatang pinababa kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay ang pagsaway sa mga lingkod na sumamba kasama kay Allāh sa iba pa sa Kanya: "Tunay na ako, O mga tao, ay isang tagapangamba para sa inyo sa pagdurusang dulot ni Allāh kung tumanggi kayong sumampalataya sa Kanya at sumuway kayo sa Kanya, at isang tagapagbalita ng nakagagalak sa inyo hinggil sa gantimpala Niya kung sumampalataya kayo sa Kanya at gumawa kayo ayon sa batas Niya."