Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Hūd — Talata 1 (Tagalog) — Bidyo

Hūd • Talata 1 sa 123 • Tagalog


الر ۚ كِتَابٌ أُحْكِمَتْ آيَاتُهُ ثُمَّ فُصِّلَتْ مِنْ لَدُنْ حَكِيمٍ خَبِيرٍ 1
Pagsasalin:
Alif. Lām. Rā’. [Ito ay] isang Aklat na pinahusay ang mga talata nito, pagkatapos dinetalye mula sa panig ng isang Marunong, isang Mapagbatid. Hūd 11:1
Tafsīr:
Alif. Lām. Rā’. Nauna na ang pagtatalakay sa mga kapareho ng mga ito sa Kabanatang Al-Baqarah. Ang Qur'ān ay isang aklat na hinusayan ang mga talata nito sa pagkakaayos at kahulugan kaya hindi ka nakakikita sa mga ito ng kasiraan ni kakulangan. Pagkatapos nilinaw ito sa pamamagitan ng pagbanggit sa ipinahihintulot at ipinagbabawal, ipinag-uutos at sinasaway, pangako at banta, mga salaysay, at ipa pa roon mula sa ganang Marunong sa pangangasiwa Niya at pagbabatas Niya, Mapagbatid sa mga kalagayan ng mga lingkod Niya at sa anumang nagsasaayos sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūnus • Talata 109 Susunod Hūd • Talata 2