Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
[Gayon nga] hanggang sa nang dumating ang utos Namin at nagsambulat [ng tubig] ang pugon ay nagsabi Kami: “Maglulan ka sa loob niyon ng mula sa bawat dalawang magkapares [na lalaki at babae], ng mag-anak mo – maliban sa nauna sa kanya ang hatol – at ng sinumang sumampalataya.” Walang sumampalataya kasama sa kanya kundi kaunti. (40)
Tafsīr
Winakasan ni Noe ang pagyari sa arkong ipinag-utos sa kanya ni Allāh na yariin. Hanggang sa nang dumating ang pasya Namin sa pagpapahamak sa kanila at sumambulat ang tubig mula sa pugon, na dati silang naghuhurno roon, bilang pagbibigay-alam sa simula ng gunaw ay nagsabi naman Kami kay Noe – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Maglulan ka sa arko ng bawat uri ng hayop sa ibabaw ng lupa na dalawang magkapares: lalaki at babae. Maglulan ka ng mag-anak mo – maliban sa nauna sa kanya ang kahatulan na siya ay malulunod dahil sa kanyang pagiging hindi sumampalataya. Maglulan ka ng sinumang sumampalataya kabilang sa mga tao mo." Walang sumampalataya kasama sa kanya kundi kaunting bilang sa hinaba-haba ng yugtong nanatili siya roon na nag-aanyaya sa kanila sa pananampalataya kay Allāh.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: