Surah Hūd (Hud — هود) (Talata 42)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




11 Hūd(هود), Talata 42

وَهِيَ تَجْرِي بِهِمْ فِي مَوْجٍ كَالْجِبَالِ وَنَادَىٰ نُوحٌ ابْنَهُ وَكَانَ فِي مَعْزِلٍ يَا بُنَيَّ ارْكَبْ مَعَنَا وَلَا تَكُنْ مَعَ الْكَافِرِينَ 42 ٤٢

Ito ay naglayag lulan sila sa mga alon na gaya ng mga bundok. Nanawagan si Noe sa anak niya habang ito ay nasa pinaglayuan [nito]: “O anak ko, sumakay ka kasama sa amin at huwag kang maging kabilang sa mga tagatangging sumampalataya.” (42)

Tafsīr
Ang arko ay umuusad lulan ang sinumang nasa loob nito na mga tao at mga iba pa sa kanila sa mga dambuhalang alon na tulad ng mga bundok. Dahil sa damdamin ng pagkaama, nanawagan si Noe – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa anak niyang tagatangging sumampalataya habang ito ay nakabukod malayo sa ama nito at mga tao nito sa isang lugar: "O anak ko, sumakay ka kasama sa amin sa arko upang maligtas ka sa pagkalunod. Huwag kang maging kabilang sa mga tagatangging sumampalataya at dadapo sa iyo ang dumapo sa kanila na kapahamakan at pagkalunod."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba