Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Hūd — Talata 42 (Tagalog) — Bidyo

Hūd • Talata 42 sa 123 • Tagalog


وَهِيَ تَجْرِي بِهِمْ فِي مَوْجٍ كَالْجِبَالِ وَنَادَىٰ نُوحٌ ابْنَهُ وَكَانَ فِي مَعْزِلٍ يَا بُنَيَّ ارْكَبْ مَعَنَا وَلَا تَكُنْ مَعَ الْكَافِرِينَ 42
Pagsasalin:
Ito ay naglayag lulan sila sa mga alon na gaya ng mga bundok. Nanawagan si Noe sa anak niya habang ito ay nasa pinaglayuan [nito]: “O anak ko, sumakay ka kasama sa amin at huwag kang maging kabilang sa mga tagatangging sumampalataya.” Hūd 11:42
Tafsīr:
Ang arko ay umuusad lulan ang sinumang nasa loob nito na mga tao at mga iba pa sa kanila sa mga dambuhalang alon na tulad ng mga bundok. Dahil sa damdamin ng pagkaama, nanawagan si Noe – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa anak niyang tagatangging sumampalataya habang ito ay nakabukod malayo sa ama nito at mga tao nito sa isang lugar: "O anak ko, sumakay ka kasama sa amin sa arko upang maligtas ka sa pagkalunod. Huwag kang maging kabilang sa mga tagatangging sumampalataya at dadapo sa iyo ang dumapo sa kanila na kapahamakan at pagkalunod."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Hūd • Talata 41 Susunod Hūd • Talata 43