Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Hūd — Talata 43 (Tagalog) — Bidyo

Hūd • Talata 43 sa 123 • Tagalog


قَالَ سَآوِي إِلَىٰ جَبَلٍ يَعْصِمُنِي مِنَ الْمَاءِ ۚ قَالَ لَا عَاصِمَ الْيَوْمَ مِنْ أَمْرِ اللَّهِ إِلَّا مَنْ رَحِمَ ۚ وَحَالَ بَيْنَهُمَا الْمَوْجُ فَكَانَ مِنَ الْمُغْرَقِينَ 43
Pagsasalin:
Nagsabi ito: “Kakanlong ako sa isang bundok na magsasanggalang sa akin laban sa tubig.” Nagsabi siya: “Walang tagapagsanggalang sa araw na ito laban sa pasya ni Allāh maliban sa kinaawaan Niya.” Humarang sa pagitan nilang dalawa ang mga alon, kaya ito ay naging kabilang sa mga nalunod. Hūd 11:43
Tafsīr:
Nagsabi ang anak ni Noe kay Noe: "Dudulog ako sa isang bundok na mataas upang magtanggol sa akin laban sa pag-abot ng tubig sa akin." Nagsabi si Noe sa anak niya: "Walang tagapagtanggol sa araw na ito laban sa parusa ni Allāh sa pamamagitan ng pagkalunod sa gunaw kundi si Allāh na naaawa sa pamamagitan ng awa Niya sa sinumang niloloob Niya – kaluwalhatian sa Kanya – sapagkat tunay na Siya ay nagsasanggalang laban sa pagkalunod." Nagpahiwalay ang mga alon sa pagitan ni Noe at ng anak niyang tagatangging sumampalataya kaya ito ay naging kabilang sa mga nalunod sa gunaw dahil sa kawalang-pananampalataya nito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Hūd • Talata 42 Susunod Hūd • Talata 44