Surah Hūd (Hud — هود) (Talata 46)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




11 Hūd(هود), Talata 46

قَالَ يَا نُوحُ إِنَّهُ لَيْسَ مِنْ أَهْلِكَ ۖ إِنَّهُ عَمَلٌ غَيْرُ صَالِحٍ ۖ فَلَا تَسْأَلْنِ مَا لَيْسَ لَكَ بِهِ عِلْمٌ ۖ إِنِّي أَعِظُكَ أَنْ تَكُونَ مِنَ الْجَاهِلِينَ 46 ٤٦

Nagsabi Siya: “O Noe, tunay na siya ay hindi kabilang sa mag-anak mo. Tunay na [ang paghiling na] ito ay gawang hindi maayos. Kaya huwag kang humiling sa Akin ng wala kang kaalaman hinggil doon. Tunay na Ako ay nangangaral sa iyo na baka ikaw ay maging kabilang sa mga mangmang.” (46)

Tafsīr
Nagsabi si Allāh kay Noe: "O Noe, tunay na ang anak mo na hiniling mo sa Akin na iligtas siya ay hindi kabilang sa mag-anak mo na nangako Ako sa iyo na iligtas sila dahil siya ay isang tagatangging sumampalataya. Tunay na ang paghiling mo, O Noe, ay isang gawaing hindi naaangkop sa iyo at hindi nababagay para sa sinumang nasa katayuan mo. Kaya huwag kang humiling sa Akin ng wala kang kaalaman hinggil doon. Tunay na Ako ay nagbibigay-babala sa iyo na baka ikaw ay maging kabilang sa mga mangmang para humiling ka sa Akin ng sumasalungat sa kaalaman Ko at karunungan Ko."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba