Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Hūd — Talata 46 (Tagalog) — Bidyo

Hūd • Talata 46 sa 123 • Tagalog


قَالَ يَا نُوحُ إِنَّهُ لَيْسَ مِنْ أَهْلِكَ ۖ إِنَّهُ عَمَلٌ غَيْرُ صَالِحٍ ۖ فَلَا تَسْأَلْنِ مَا لَيْسَ لَكَ بِهِ عِلْمٌ ۖ إِنِّي أَعِظُكَ أَنْ تَكُونَ مِنَ الْجَاهِلِينَ 46
Pagsasalin:
Nagsabi Siya: “O Noe, tunay na siya ay hindi kabilang sa mag-anak mo. Tunay na [ang paghiling na] ito ay gawang hindi maayos. Kaya huwag kang humiling sa Akin ng wala kang kaalaman hinggil doon. Tunay na Ako ay nangangaral sa iyo na baka ikaw ay maging kabilang sa mga mangmang.” Hūd 11:46
Tafsīr:
Nagsabi si Allāh kay Noe: "O Noe, tunay na ang anak mo na hiniling mo sa Akin na iligtas siya ay hindi kabilang sa mag-anak mo na nangako Ako sa iyo na iligtas sila dahil siya ay isang tagatangging sumampalataya. Tunay na ang paghiling mo, O Noe, ay isang gawaing hindi naaangkop sa iyo at hindi nababagay para sa sinumang nasa katayuan mo. Kaya huwag kang humiling sa Akin ng wala kang kaalaman hinggil doon. Tunay na Ako ay nagbibigay-babala sa iyo na baka ikaw ay maging kabilang sa mga mangmang para humiling ka sa Akin ng sumasalungat sa kaalaman Ko at karunungan Ko."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Hūd • Talata 45 Susunod Hūd • Talata 47