Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Hūd — Talata 45 (Tagalog) — Bidyo

Hūd • Talata 45 sa 123 • Tagalog


وَنَادَىٰ نُوحٌ رَبَّهُ فَقَالَ رَبِّ إِنَّ ابْنِي مِنْ أَهْلِي وَإِنَّ وَعْدَكَ الْحَقُّ وَأَنْتَ أَحْكَمُ الْحَاكِمِينَ 45
Pagsasalin:
Nanawagan si Noe sa Panginoon niya saka nagsabi: “O Panginoon ko, tunay na ang anak ko ay kabilang sa mag-anak ko. Tunay na ang pangako Mo ay ang totoo. Ikaw ay ang pinakatagahatol sa mga tagahatol.” Hūd 11:45
Tafsīr:
Nanawagan si Noe – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa Panginoon niya habang nagpapasaklolo sa Kanya saka nagsabi: "O Panginoon ko, tunay na ang anak ko ay kabilang sa mag-anak ko na nangako Ka sa akin ng pagliligtas sa kanila. Tunay na ang pangako Mo ay ang tapat na walang pagsira rito. Ikaw ay ang pinakamakatarungan sa mga tagahatol at ang pinakamaalam sa kanila."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Hūd • Talata 44 Susunod Hūd • Talata 46