Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Sinabi: “O Noe, manaog ka nang may kapayapaan mula sa Amin at mga pagpapala sa iyo at sa mga kalipunan kabilang sa sinumang kasama sa iyo. May mga kalipunang pagtatamasain Namin, pagkatapos may sasaling sa kanila mula sa Amin na isang pagdurusang masakit.” (48)
Tafsīr
Nagsabi si Allāh kay Noe – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "O Noe, bumaba ka mula sa arko sa lupa nang may kaligtasan, katiwasayan, at mga biyayang marami mula kay Allāh sa iyo at sa mga supling ng mga kasama sa iyo sa arko kabilang sa mga mananampalataya, na darating matapos mo. May mga ibang kalipunang kabilang sa mga supling nila na mga tagatangging sumampalataya na pagtatamasain Namin sa buhay na ito sa Mundo. Magbibigay Kami sa kanila ng ikabubuhay nila, pagkatapos may hahantong sa kanila mula sa Amin sa Kabilang-buhay na isang pagdurusang nakasasakit."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: