Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Hūd — Talata 48 (Tagalog) — Bidyo

Hūd • Talata 48 sa 123 • Tagalog


قِيلَ يَا نُوحُ اهْبِطْ بِسَلَامٍ مِنَّا وَبَرَكَاتٍ عَلَيْكَ وَعَلَىٰ أُمَمٍ مِمَّنْ مَعَكَ ۚ وَأُمَمٌ سَنُمَتِّعُهُمْ ثُمَّ يَمَسُّهُمْ مِنَّا عَذَابٌ أَلِيمٌ 48
Pagsasalin:
Sinabi: “O Noe, manaog ka nang may kapayapaan mula sa Amin at mga pagpapala sa iyo at sa mga kalipunan kabilang sa sinumang kasama sa iyo. May mga kalipunang pagtatamasain Namin, pagkatapos may sasaling sa kanila mula sa Amin na isang pagdurusang masakit.” Hūd 11:48
Tafsīr:
Nagsabi si Allāh kay Noe – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "O Noe, bumaba ka mula sa arko sa lupa nang may kaligtasan, katiwasayan, at mga biyayang marami mula kay Allāh sa iyo at sa mga supling ng mga kasama sa iyo sa arko kabilang sa mga mananampalataya, na darating matapos mo. May mga ibang kalipunang kabilang sa mga supling nila na mga tagatangging sumampalataya na pagtatamasain Namin sa buhay na ito sa Mundo. Magbibigay Kami sa kanila ng ikabubuhay nila, pagkatapos may hahantong sa kanila mula sa Amin sa Kabilang-buhay na isang pagdurusang nakasasakit."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Hūd • Talata 47 Susunod Hūd • Talata 49