Iyon ay kabilang sa mga balita ng nakalingid, na ikinakasi Namin sa iyo. Hindi ka dati nakaaalam nito, ikaw ni ang mga tao mo bago pa nito. Kaya magtiis ka; tunay na ang [magandang] kahihinatnan ay ukol sa mga tagapangilag magkasala. Hūd 11:49 ⧉
Tafsīr:
Itong kasaysayan ni Noe ay kabilang sa mga ulat ng Lingid. Hindi ka dati, O Sugo, nakaaalam nito. Ang mga tao mo noon ay hindi nakaaalam ng mga ito bago pa ng pagkakasi na ito na ikinasi ni Allāh sa iyo. Kaya magtiis ka sa pananakit ng mga tao mo at pagpapasinungaling nila kung paanong nagtiis si Noe – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. Tunay na ang pagwawagi at ang pananaig ay ukol sa mga sumusunod sa mga ipinag-uutos ni Allāh at umiiwas sa mga sinasaway Niya.