Surah Hūd (Hud — هود) (Talata 49)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




11 Hūd(هود), Talata 49

تِلْكَ مِنْ أَنْبَاءِ الْغَيْبِ نُوحِيهَا إِلَيْكَ ۖ مَا كُنْتَ تَعْلَمُهَا أَنْتَ وَلَا قَوْمُكَ مِنْ قَبْلِ هَٰذَا ۖ فَاصْبِرْ ۖ إِنَّ الْعَاقِبَةَ لِلْمُتَّقِينَ 49 ٤٩

Iyon ay kabilang sa mga balita ng nakalingid, na ikinakasi Namin sa iyo. Hindi ka dati nakaaalam nito, ikaw ni ang mga tao mo bago pa nito. Kaya magtiis ka; tunay na ang [magandang] kahihinatnan ay ukol sa mga tagapangilag magkasala. (49)

Tafsīr
Itong kasaysayan ni Noe ay kabilang sa mga ulat ng Lingid. Hindi ka dati, O Sugo, nakaaalam nito. Ang mga tao mo noon ay hindi nakaaalam ng mga ito bago pa ng pagkakasi na ito na ikinasi ni Allāh sa iyo. Kaya magtiis ka sa pananakit ng mga tao mo at pagpapasinungaling nila kung paanong nagtiis si Noe – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. Tunay na ang pagwawagi at ang pananaig ay ukol sa mga sumusunod sa mga ipinag-uutos ni Allāh at umiiwas sa mga sinasaway Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba