Surah Hūd (Hud — هود) (Talata 52)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




11 Hūd(هود), Talata 52

وَيَا قَوْمِ اسْتَغْفِرُوا رَبَّكُمْ ثُمَّ تُوبُوا إِلَيْهِ يُرْسِلِ السَّمَاءَ عَلَيْكُمْ مِدْرَارًا وَيَزِدْكُمْ قُوَّةً إِلَىٰ قُوَّتِكُمْ وَلَا تَتَوَلَّوْا مُجْرِمِينَ 52 ٥٢

O mga kalipi ko, humingi kayo ng tawad sa Panginoon ninyo, pagkatapos magbalik-loob kayo sa Kanya, magsusugo Siya sa langit sa ibabaw ninyo ng masaganang [ulan] at magdaragdag Siya sa inyo ng lakas sa [dating] lakas ninyo. Huwag kayong tumalikod bilang mga salarin. (52)

Tafsīr
O mga kalipi ko, humiling kayo ng kapatawaran mula kay Allāh, pagkatapos magbalik-loob kayo sa Kanya mula sa mga pagkakasala ninyo – at ang pinakamalaki sa mga ito ay ang shirk – maggagantimpala Siya sa inyo roon sa pamamagitan ng pagpapababa ng maraming ulan at magdaragdag Siya sa inyo ng kapangyarihan sa [dating] kapangyarihan ninyo sa pamamagitan ng pagpaparami sa mga supling at mga yaman. Huwag kayong umayaw sa ipinaaanyaya ko sa inyo para kayo maging mga salarin dahil sa pag-ayaw ninyo sa paanyaya ko, kawalang-pananampalataya ninyo kay Allāh, at pagpapasinungaling ninyo sa inihatid ko.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba