Surah Hūd (Hud — هود) (Talata 56)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




11 Hūd(هود), Talata 56

إِنِّي تَوَكَّلْتُ عَلَى اللَّهِ رَبِّي وَرَبِّكُمْ ۚ مَا مِنْ دَابَّةٍ إِلَّا هُوَ آخِذٌ بِنَاصِيَتِهَا ۚ إِنَّ رَبِّي عَلَىٰ صِرَاطٍ مُسْتَقِيمٍ 56 ٥٦

Tunay na ako ay nanalig kay Allāh, ang Panginoon ko at ang Panginoon ninyo. Walang anumang gumagalaw na nilalang malibang Siya ay humahawak sa unahan ng noo nito. Tunay na ang Panginoon ko ay nasa isang landasing tuwid [ng katarungan].” (56)

Tafsīr
Tunay na ako ay nanalig kay Allāh lamang at sumandal sa Kanya sa nauukol sa akin sapagkat Siya ay ang Panginoon ko at ang Panginoon ninyo. Walang anumang bagay na umuusad sa balat ng lupa malibang ito ay sumasailalim kay Allāh sa ilalim ng paghahari Niya at kapamahalaan Niya habang ibinabaling Niya ito kung papaano Niyang niloloob. Tunay na ang Panginoon ko ay nasa katotohanan at katarungan kaya hindi kayo maghahari sa akin dahil ako ay nasa katotohanan samantalang kayo ay nasa kabulaanan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba