Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Hūd — Talata 56 (Tagalog) — Bidyo

Hūd • Talata 56 sa 123 • Tagalog


إِنِّي تَوَكَّلْتُ عَلَى اللَّهِ رَبِّي وَرَبِّكُمْ ۚ مَا مِنْ دَابَّةٍ إِلَّا هُوَ آخِذٌ بِنَاصِيَتِهَا ۚ إِنَّ رَبِّي عَلَىٰ صِرَاطٍ مُسْتَقِيمٍ 56
Pagsasalin:
Tunay na ako ay nanalig kay Allāh, ang Panginoon ko at ang Panginoon ninyo. Walang anumang gumagalaw na nilalang malibang Siya ay humahawak sa unahan ng noo nito. Tunay na ang Panginoon ko ay nasa isang landasing tuwid [ng katarungan].” Hūd 11:56
Tafsīr:
Tunay na ako ay nanalig kay Allāh lamang at sumandal sa Kanya sa nauukol sa akin sapagkat Siya ay ang Panginoon ko at ang Panginoon ninyo. Walang anumang bagay na umuusad sa balat ng lupa malibang ito ay sumasailalim kay Allāh sa ilalim ng paghahari Niya at kapamahalaan Niya habang ibinabaling Niya ito kung papaano Niyang niloloob. Tunay na ang Panginoon ko ay nasa katotohanan at katarungan kaya hindi kayo maghahari sa akin dahil ako ay nasa katotohanan samantalang kayo ay nasa kabulaanan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Hūd • Talata 55 Susunod Hūd • Talata 57