Ngunit kung tatalikod kayo ay [sabihin mo:] “Nagpaabot na ako sa inyo ng ipinasugo sa akin sa inyo. Magtatalaga bilang kahalili ang Panginoon ko sa mga taong iba pa sa inyo. Hindi kayo makapipinsala sa Kanya ng anuman. Tunay na ang Panginoon sa bawat bagay ay Mapag-ingat.” Hūd 11:57 ⧉
Tafsīr:
Ngunit kung aayaw kayo at tatalikod kayo sa inihatid ko, walang tungkulin sa akin kundi ang pagpapaabot sa inyo. Naipaabot ko na sa inyo ang lahat ng ipinasugo sa akin ni Allāh at ipinag-utos Niya sa akin na ipaabot ko. Lumitaw na sa inyo ang katwiran. Ipahahamak kayo ng Panginoon ko. Magdadala Siya ng mga taong iba pa sa inyo, na hahalili sa inyo. Hindi kayo makapipinsala kay Allāh ng isang pinsalang malaki ni maliit dahil sa pagpapasinungaling ninyo at pag-ayaw ninyo dahil Siya ay Walang-pangangailangan sa mga lingkod Niya. Tunay na ang Panginoon ko sa bawat bagay ay Mapagmasid. Siya ang nag-iingat sa akin laban sa kasagwaang ipinapakana ninyo sa akin."