Surah Hūd (Hud — هود) (Talata 5)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




11 Hūd(هود), Talata 5

أَلَا إِنَّهُمْ يَثْنُونَ صُدُورَهُمْ لِيَسْتَخْفُوا مِنْهُ ۚ أَلَا حِينَ يَسْتَغْشُونَ ثِيَابَهُمْ يَعْلَمُ مَا يُسِرُّونَ وَمَا يُعْلِنُونَ ۚ إِنَّهُ عَلِيمٌ بِذَاتِ الصُّدُورِ 5 ٥

Pansinin, tunay na sila ay nagtatakip ng mga dibdib nila upang makapagkubli sila [ng pagdududa] mula sa Kanya. Pansinin, kapag nagpapabalot sila ng mga kasuutan nila ay nakaaalam Siya sa anumang inililihim nila at anumang inihahayag nila. Tunay na Siya ay Maalam sa nilalaman ng mga dibdib. (5)

Tafsīr
Pansinin, tunay na ang mga tagapagtambal na ito ay nagbabaluktot ng mga dibdib nila upang magtago ng nasa mga ito na pagdududa tungkol kay Allāh dala ng isang kamangmangan sa Kanya mula sa kanila. Pansinin, kapag nagtatalukbong sila ng mga ulo nila sa pamamagitan ng mga kasuutan nila ay nakaaalam si Allāh ng itinatago nila at inilalantad nila. Tunay na Siya ay Maalam sa anumang ikinukubli ng mga dibdib.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba