Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Hūd — Talata 5 (Tagalog) — Bidyo

Hūd • Talata 5 sa 123 • Tagalog


أَلَا إِنَّهُمْ يَثْنُونَ صُدُورَهُمْ لِيَسْتَخْفُوا مِنْهُ ۚ أَلَا حِينَ يَسْتَغْشُونَ ثِيَابَهُمْ يَعْلَمُ مَا يُسِرُّونَ وَمَا يُعْلِنُونَ ۚ إِنَّهُ عَلِيمٌ بِذَاتِ الصُّدُورِ 5
Pagsasalin:
Pansinin, tunay na sila ay nagtatakip ng mga dibdib nila upang makapagkubli sila [ng pagdududa] mula sa Kanya. Pansinin, kapag nagpapabalot sila ng mga kasuutan nila ay nakaaalam Siya sa anumang inililihim nila at anumang inihahayag nila. Tunay na Siya ay Maalam sa nilalaman ng mga dibdib. Hūd 11:5
Tafsīr:
Pansinin, tunay na ang mga tagapagtambal na ito ay nagbabaluktot ng mga dibdib nila upang magtago ng nasa mga ito na pagdududa tungkol kay Allāh dala ng isang kamangmangan sa Kanya mula sa kanila. Pansinin, kapag nagtatalukbong sila ng mga ulo nila sa pamamagitan ng mga kasuutan nila ay nakaaalam si Allāh ng itinatago nila at inilalantad nila. Tunay na Siya ay Maalam sa anumang ikinukubli ng mga dibdib.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Hūd • Talata 4 Susunod Hūd • Talata 6