Walang anumang gumagalaw na nilalang sa lupa malibang nasa kay Allāh ang panustos nito. Nakaaalam Siya sa tuluyan nito [sa pamumuhay] at pinaglalagakan dito [sa pagkamatay]. Bawat isa ay nasa isang talaang malinaw. Hūd 11:6 ⧉
Tafsīr:
Walang anumang nilikhang gumagalaw sa balat ng lupa, maging anuman ito, malibang gumarantiya si Allāh sa pagtustos dito bilang pagmamagandang-loob mula sa Kanya. Nakaaalam Siya – kaluwalhatian sa Kanya – sa kinalalagyan ng panunuluyan nito sa lupa at nakaaalam Siya sa kinalalagyan ng kamatayan nito kung saan mamamatay ito. Kaya bawat isa sa mga hayop – pati na ang pagtustos sa mga ito, ang mga kinalalagyan ng panunuluyan ng mga ito, at ang mga kinalalagyan ng kamatayan ng mga ito – ay nasa isang talaang maliwanag, ang Tablerong Pinag-iingatan.