Surah Hūd (Hud — هود) (Talata 60)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




11 Hūd(هود), Talata 60

وَأُتْبِعُوا فِي هَٰذِهِ الدُّنْيَا لَعْنَةً وَيَوْمَ الْقِيَامَةِ ۗ أَلَا إِنَّ عَادًا كَفَرُوا رَبَّهُمْ ۗ أَلَا بُعْدًا لِعَادٍ قَوْمِ هُودٍ 60 ٦٠

Pinasundan sila sa Mundong ito ng isang sumpa at sa Araw ng Pagbangon. Pansinin, tunay na ang [liping] `Ād ay tumangging sumampalataya sa Panginoon nila. Pansinin, kalayuan [sa awa] ay ukol sa [liping] `Ād, na mga kalipi ni Hūd. (60)

Tafsīr
Nakahabol sa kanila sa buhay na ito sa Mundo ang kahihiyan at ang pagtaboy mula sa awa ni Allāh. Gayon din sa Araw ng Pagbangon, sila ay mga palalayuin mula sa awa ni Allāh. Iyon ay dahilan sa kawalang-pananampalataya nila kay Allāh – pagkataas-taas Siya. Pansinin, kaya nagpalayo sa kanila si Allāh sa bawat kabutihan at nagpalapit Siya sa kanila sa bawat kasamaan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba