Pinasundan sila sa Mundong ito ng isang sumpa at sa Araw ng Pagbangon. Pansinin, tunay na ang [liping] `Ād ay tumangging sumampalataya sa Panginoon nila. Pansinin, kalayuan [sa awa] ay ukol sa [liping] `Ād, na mga kalipi ni Hūd. Hūd 11:60 ⧉
Tafsīr:
Nakahabol sa kanila sa buhay na ito sa Mundo ang kahihiyan at ang pagtaboy mula sa awa ni Allāh. Gayon din sa Araw ng Pagbangon, sila ay mga palalayuin mula sa awa ni Allāh. Iyon ay dahilan sa kawalang-pananampalataya nila kay Allāh – pagkataas-taas Siya. Pansinin, kaya nagpalayo sa kanila si Allāh sa bawat kabutihan at nagpalapit Siya sa kanila sa bawat kasamaan.