Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Hūd — Talata 61 (Tagalog) — Bidyo

Hūd • Talata 61 sa 123 • Tagalog


وَإِلَىٰ ثَمُودَ أَخَاهُمْ صَالِحًا ۚ قَالَ يَا قَوْمِ اعْبُدُوا اللَّهَ مَا لَكُمْ مِنْ إِلَٰهٍ غَيْرُهُ ۖ هُوَ أَنْشَأَكُمْ مِنَ الْأَرْضِ وَاسْتَعْمَرَكُمْ فِيهَا فَاسْتَغْفِرُوهُ ثُمَّ تُوبُوا إِلَيْهِ ۚ إِنَّ رَبِّي قَرِيبٌ مُجِيبٌ 61
Pagsasalin:
[Nagsugo sa liping] Thamūd ng kapatid nilang si Ṣāliḥ. Nagsabi siya: “O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh; walang ukol sa inyo na anumang Diyos na iba pa sa Kanya. Siya ay nagpaluwal sa inyo mula sa lupa at nagpanirahan sa inyo rito, kaya humingi kayo ng tawad sa Kanya, pagkatapos magbalik-loob kayo sa Kanya. Tunay na ang Panginoon ko ay Malapit, Tagasagot [ng panalangin].” Hūd 11:61
Tafsīr:
Nagsugo si Allāh sa liping Thamūd ng kapatid nilang si Ṣāliḥ. Nagsabi siya: "O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh lamang; walang ukol sa inyo na anumang sinasambang nagiging karapat-dapat sa pagsamba na iba pa sa Kanya. Siya ay lumikha sa inyo mula sa alabok ng lupa sa pamamagitan ng paglikha sa ama ninyong si Adan mula rito at gumawa sa inyo bilang mga naninirahan dito. Kaya humiling kayo ng kapatawaran mula sa Kanya, pagkatapos manumbalik kayo sa Kanya sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagtalima at pag-iwan sa mga pagsuway. Tunay na ang Panginoon ko ay Malapit sa sinumang nagpapakawagas sa Kanya sa pagsamba, Tagasagot sa sinumang dumalangin sa Kanya."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Hūd • Talata 60 Susunod Hūd • Talata 62