Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Hūd — Talata 62 (Tagalog) — Bidyo

Hūd • Talata 62 sa 123 • Tagalog


قَالُوا يَا صَالِحُ قَدْ كُنْتَ فِينَا مَرْجُوًّا قَبْلَ هَٰذَا ۖ أَتَنْهَانَا أَنْ نَعْبُدَ مَا يَعْبُدُ آبَاؤُنَا وَإِنَّنَا لَفِي شَكٍّ مِمَّا تَدْعُونَا إِلَيْهِ مُرِيبٍ 62
Pagsasalin:
Nagsabi sila: “O Ṣāliḥ, ikaw nga dati sa atin ay inaasam bago nito. Sumasaway ka ba sa amin na sumamba kami sa sinasamba ng mga ninuno namin? Tunay na kami ay talagang nasa isang pagdududang tagapagpaalinlangan hinggil sa inaanyaya mo sa amin.” Hūd 11:62
Tafsīr:
Nagsabi sa kanya ang mga kalipi niya: "O Ṣāliḥ, ikaw nga dati sa atin ay nagtataglay ng kalagayang mataas bago ng pag-aanyaya mong ito sapagkat kami nga dati ay nag-aasam na ikaw ay maging isang nakapag-uunawa na may pagpapayo at pagsangguni. Sumasaway ka ba sa amin, O Ṣāliḥ, sa pagsamba sa sinasamba noon ng mga ninuno namin? Tunay na kami ay talagang nasa isang pagdududa sa inaanyaya mo sa amin na pagsamba kay Allāh lamang. Nagsasanhi ito sa amin na magparatang kami sa iyo ng pagsisinungaling laban kay Allāh."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Hūd • Talata 61 Susunod Hūd • Talata 63