Surah Hūd (Hud — هود) (Talata 61)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




11 Hūd(هود), Talata 61

وَإِلَىٰ ثَمُودَ أَخَاهُمْ صَالِحًا ۚ قَالَ يَا قَوْمِ اعْبُدُوا اللَّهَ مَا لَكُمْ مِنْ إِلَٰهٍ غَيْرُهُ ۖ هُوَ أَنْشَأَكُمْ مِنَ الْأَرْضِ وَاسْتَعْمَرَكُمْ فِيهَا فَاسْتَغْفِرُوهُ ثُمَّ تُوبُوا إِلَيْهِ ۚ إِنَّ رَبِّي قَرِيبٌ مُجِيبٌ 61 ٦١

[Nagsugo sa liping] Thamūd ng kapatid nilang si Ṣāliḥ. Nagsabi siya: “O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh; walang ukol sa inyo na anumang Diyos na iba pa sa Kanya. Siya ay nagpaluwal sa inyo mula sa lupa at nagpanirahan sa inyo rito, kaya humingi kayo ng tawad sa Kanya, pagkatapos magbalik-loob kayo sa Kanya. Tunay na ang Panginoon ko ay Malapit, Tagasagot [ng panalangin].” (61)

Tafsīr
Nagsugo si Allāh sa liping Thamūd ng kapatid nilang si Ṣāliḥ. Nagsabi siya: "O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh lamang; walang ukol sa inyo na anumang sinasambang nagiging karapat-dapat sa pagsamba na iba pa sa Kanya. Siya ay lumikha sa inyo mula sa alabok ng lupa sa pamamagitan ng paglikha sa ama ninyong si Adan mula rito at gumawa sa inyo bilang mga naninirahan dito. Kaya humiling kayo ng kapatawaran mula sa Kanya, pagkatapos manumbalik kayo sa Kanya sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagtalima at pag-iwan sa mga pagsuway. Tunay na ang Panginoon ko ay Malapit sa sinumang nagpapakawagas sa Kanya sa pagsamba, Tagasagot sa sinumang dumalangin sa Kanya."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba