Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nagsabi sila: “O Ṣāliḥ, ikaw nga dati sa atin ay inaasam bago nito. Sumasaway ka ba sa amin na sumamba kami sa sinasamba ng mga ninuno namin? Tunay na kami ay talagang nasa isang pagdududang tagapagpaalinlangan hinggil sa inaanyaya mo sa amin.” (62)
Tafsīr
Nagsabi sa kanya ang mga kalipi niya: "O Ṣāliḥ, ikaw nga dati sa atin ay nagtataglay ng kalagayang mataas bago ng pag-aanyaya mong ito sapagkat kami nga dati ay nag-aasam na ikaw ay maging isang nakapag-uunawa na may pagpapayo at pagsangguni. Sumasaway ka ba sa amin, O Ṣāliḥ, sa pagsamba sa sinasamba noon ng mga ninuno namin? Tunay na kami ay talagang nasa isang pagdududa sa inaanyaya mo sa amin na pagsamba kay Allāh lamang. Nagsasanhi ito sa amin na magparatang kami sa iyo ng pagsisinungaling laban kay Allāh."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: