Surah Hūd (Hud — هود) (Talata 69)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




11 Hūd(هود), Talata 69

وَلَقَدْ جَاءَتْ رُسُلُنَا إِبْرَاهِيمَ بِالْبُشْرَىٰ قَالُوا سَلَامًا ۖ قَالَ سَلَامٌ ۖ فَمَا لَبِثَ أَنْ جَاءَ بِعِجْلٍ حَنِيذٍ 69 ٦٩

Talaga ngang naghatid ang mga [anghel na] sugo Namin kay Abraham ng balitang nakagagalak. Nagsabi sila: “Kapayapaan!” Nagsabi siya: “Kapayapaan.” Kaya hindi naglaon na naghatid siya ng isang guyang inihaw. (69)

Tafsīr
Talaga ngang dumating ang mga anghel sa anyo ng mga lalaking tao kay Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak sa kanya at sa maybahay niya hinggil kay Isaac, pagkatapos kay Jacob. Kaya nagsabi ang mga anghel: "Kapayapaan!" Kaya tumugon sa kanila si Abraham sa pagsabi niya: "Kapayapaan." Umalis siya na nagmamadali saka naghatid sa kanila ng isang guyang inihaw upang kumain sila mula rito dala ng isang pag-aakala mula sa kanya na sila ay mga lalaking tao.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba