Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Hūd — Talata 69 (Tagalog) — Bidyo

Hūd • Talata 69 sa 123 • Tagalog


وَلَقَدْ جَاءَتْ رُسُلُنَا إِبْرَاهِيمَ بِالْبُشْرَىٰ قَالُوا سَلَامًا ۖ قَالَ سَلَامٌ ۖ فَمَا لَبِثَ أَنْ جَاءَ بِعِجْلٍ حَنِيذٍ 69
Pagsasalin:
Talaga ngang naghatid ang mga [anghel na] sugo Namin kay Abraham ng balitang nakagagalak. Nagsabi sila: “Kapayapaan!” Nagsabi siya: “Kapayapaan.” Kaya hindi naglaon na naghatid siya ng isang guyang inihaw. Hūd 11:69
Tafsīr:
Talaga ngang dumating ang mga anghel sa anyo ng mga lalaking tao kay Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak sa kanya at sa maybahay niya hinggil kay Isaac, pagkatapos kay Jacob. Kaya nagsabi ang mga anghel: "Kapayapaan!" Kaya tumugon sa kanila si Abraham sa pagsabi niya: "Kapayapaan." Umalis siya na nagmamadali saka naghatid sa kanila ng isang guyang inihaw upang kumain sila mula rito dala ng isang pag-aakala mula sa kanya na sila ay mga lalaking tao.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Hūd • Talata 68 Susunod Hūd • Talata 70