Para bang hindi sila namuhay roon. Pansinin, tunay na ang [liping] Thamūd ay tumangging sumampalataya sa Panginoon nila. Pansinin, kalayuan [sa awa] ay ukol sa [liping] Thamūd. Hūd 11:68 ⧉
Tafsīr:
Para bang hindi sila namalagi sa bayan nila sa isang biyaya at isang kaalwanan ng pamumuhay. Pansinin, tunay na ang [liping] Thamūd ay tumangging sumampalataya kay Allāh, ang Panginoon nila. Hindi sila natigil sa pagiging mga inilayo mula sa awa ni Allāh.