Dumaklot sa mga lumabag sa katarungan ang hiyaw saka sila, sa mga tahanan nila, ay naging mga [patay na] nakasubsob. Hūd 11:67 ⧉
Tafsīr:
Dumaklot ng isang matinding nagpapahamak na tunog ang [liping] Thamūd saka namatay sila dahil sa tindi nito at sila ay naging mga nakahandusay sa mga mukha nila. Kumapit nga ang mga mukha nila sa alabok.