Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Hūd — Talata 70 (Tagalog) — Bidyo

Hūd • Talata 70 sa 123 • Tagalog


فَلَمَّا رَأَىٰ أَيْدِيَهُمْ لَا تَصِلُ إِلَيْهِ نَكِرَهُمْ وَأَوْجَسَ مِنْهُمْ خِيفَةً ۚ قَالُوا لَا تَخَفْ إِنَّا أُرْسِلْنَا إِلَىٰ قَوْمِ لُوطٍ 70
Pagsasalin:
Ngunit noong nakita niya ang mga kamay nila na hindi umaabot doon [sa inihaw], naghinala siya sa kanila at nakadama siya mula sa kanila ng isang pangangamba. Nagsabi sila: “Huwag kang mangamba; tunay na kami ay isinugo sa mga tao ni Lot.” Hūd 11:70
Tafsīr:
Ngunit noong nakita ni Abraham na ang mga kamay nila ay hindi umaabot doon sa [inihaw na] guya at na sila ay hindi kumakain mula roon, minasama niya iyon sa kanila. Nagkubli siya sa sarili niya ng pangamba sa kanila, ngunit noong nakita ng mga anghel ang pangamba niya sa kanila ay nagsabi sila: "Huwag kang mangamba sa amin. Kami ay ipinadala ni Allāh sa mga tao ni Lot upang pagdusahin namin sila."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Hūd • Talata 69 Susunod Hūd • Talata 71