Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Walang anumang gumagalaw na nilalang sa lupa malibang nasa kay Allāh ang panustos nito. Nakaaalam Siya sa tuluyan nito [sa pamumuhay] at pinaglalagakan dito [sa pagkamatay]. Bawat isa ay nasa isang talaang malinaw. (6)
Tafsīr
Walang anumang nilikhang gumagalaw sa balat ng lupa, maging anuman ito, malibang gumarantiya si Allāh sa pagtustos dito bilang pagmamagandang-loob mula sa Kanya. Nakaaalam Siya – kaluwalhatian sa Kanya – sa kinalalagyan ng panunuluyan nito sa lupa at nakaaalam Siya sa kinalalagyan ng kamatayan nito kung saan mamamatay ito. Kaya bawat isa sa mga hayop – pati na ang pagtustos sa mga ito, ang mga kinalalagyan ng panunuluyan ng mga ito, at ang mga kinalalagyan ng kamatayan ng mga ito – ay nasa isang talaang maliwanag, ang Tablerong Pinag-iingatan.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: