Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kaya noong umalis kay Abraham ang hilakbot at dumating sa kanya ang balitang nakagagalak, nakipagtalo siya sa [mga anghel] Namin alang-alang sa mga kababayan ni Lot. (74)
Tafsīr
Kaya noong umalis kay Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ang pangambang dumapo sa kanya mula sa mga panauhin niya na hindi kumain ng pagkain niya, matapos ng pagkaalam niya na sila ay mga anghel, at dumating sa kanya ang balitang nakatutuwa na ipanganganak sa kanya si Isaac, pagkatapos si Jacob, nagsimula siyang nakipagtalo sa mga sugo Namin kaugnay sa lagay ng mga kababayan ni Lot, nang sa gayon sila ay magpaliban sa mga iyon ng parusa at nang sa gayon sila ay magligtas kay Lot at sa mag-anak nito.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: