Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Hūd — Talata 74 (Tagalog) — Bidyo

Hūd • Talata 74 sa 123 • Tagalog


فَلَمَّا ذَهَبَ عَنْ إِبْرَاهِيمَ الرَّوْعُ وَجَاءَتْهُ الْبُشْرَىٰ يُجَادِلُنَا فِي قَوْمِ لُوطٍ 74
Pagsasalin:
Kaya noong umalis kay Abraham ang hilakbot at dumating sa kanya ang balitang nakagagalak, nakipagtalo siya sa [mga anghel] Namin alang-alang sa mga kababayan ni Lot. Hūd 11:74
Tafsīr:
Kaya noong umalis kay Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ang pangambang dumapo sa kanya mula sa mga panauhin niya na hindi kumain ng pagkain niya, matapos ng pagkaalam niya na sila ay mga anghel, at dumating sa kanya ang balitang nakatutuwa na ipanganganak sa kanya si Isaac, pagkatapos si Jacob, nagsimula siyang nakipagtalo sa mga sugo Namin kaugnay sa lagay ng mga kababayan ni Lot, nang sa gayon sila ay magpaliban sa mga iyon ng parusa at nang sa gayon sila ay magligtas kay Lot at sa mag-anak nito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Hūd • Talata 73 Susunod Hūd • Talata 75