Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Hūd — Talata 73 (Tagalog) — Bidyo

Hūd • Talata 73 sa 123 • Tagalog


قَالُوا أَتَعْجَبِينَ مِنْ أَمْرِ اللَّهِ ۖ رَحْمَتُ اللَّهِ وَبَرَكَاتُهُ عَلَيْكُمْ أَهْلَ الْبَيْتِ ۚ إِنَّهُ حَمِيدٌ مَجِيدٌ 73
Pagsasalin:
Nagsabi sila: “Nagtataka ka ba sa pasya ni Allāh? Ang awa ni Allāh at ang mga pagpapala Niya ay sumainyo, O mga tao ng bahay. Tunay na Siya ay Kapuri-puri, Maringal.” Hūd 11:73
Tafsīr:
Nagsabi ang mga anghel kay Sarah noong nagtaka siya sa nagagalak na balita: "Nagtataka ka ba sa pagtatadhana ni Allāh at pagtatakda Niya? Sa tulad mo ay hindi naikukubli na si Allāh ay nakakakaya ng tulad nito. Ang awa ni Allāh at ang mga pagpapala Niya ay sumainyo, O mga tao ng bahay ni Abraham. Tunay na Allāh ay Kapuri-puri sa mga katangian Niya at mga gawain Niya, May karingalan at kaangatan."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Hūd • Talata 72 Susunod Hūd • Talata 74