Nagsabi ito: “O pambihira! Manganganak ba ako samantalang ako ay isang babaing matanda at ito ay asawa ko, isang matandang lalaki na? Tunay na ito ay talagang isang bagay kataka-taka!” Hūd 11:72 ⧉
Tafsīr:
Nagsabi si Sarah noong nagbalita sa kanya ang mga anghel ng nakagagalak na balitang iyon habang nagtataka: "Papaano akong manganganak samantalang ako ay isang matandang walang pag-asang manganak at itong asawa ko ay umabot na sa edad ng katandaan? Tunay na ang pagsisilang ng anak sa kalagayang ito ay isang bagay na kataka-taka na hindi umaayon ang kaugalian dito."