Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Dumating sa kanya ang mga kababayan niya, na nag-aapura patungo sa kanya, at bago pa niyan sila dati ay gumagawa ng mga masagwa. Nagsabi siya: “O mga kababayan ko, ang mga ito ay mga babaing anak ko [para mapangasawa ninyo]; sila ay higit na dalisay para sa inyo. Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at huwag kayong magpahiya sa akin sa mga panauhin ko. Wala bang kabilang sa inyo na isang lalaking matino?” (78)
Tafsīr
Dumating kay Lot ang mga kababayan niya, na nagmamadaling naglalayon ng paggawa ng kahalayan sa mga panauhin niya. Bago pa niyon, ang kaugalian nila dati ay ang pagpatol sa mga lalaki dala ng pagnanasa sa halip na sa mga babae. Nagsabi si Lot habang nagtatanggol sa mga kababayan niya at humihingi ng paumanhin para sa sarili niya sa harap ng mga panauhin niya: "Ang mga ito ay mga babaing anak ko kabilang sa kabuuan ng mga kababaihan ninyo kaya magpakasal kayo sa kanila sapagkat sila ay higit na dalisay para sa inyo kaysa sa paggawa ng kahalayan. Saka mangamba kayo kay Allāh at huwag kayong magdulot sa akin ng kapintasan sa mga panauhin ko. Wala bang kabilang sa inyo, O mga kababayan ko, na isang lalaking may tamang pag-iisip na sasaway sa inyo sa pangit na gawaing ito?"
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: