Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Hūd — Talata 78 (Tagalog) — Bidyo

Hūd • Talata 78 sa 123 • Tagalog


وَجَاءَهُ قَوْمُهُ يُهْرَعُونَ إِلَيْهِ وَمِنْ قَبْلُ كَانُوا يَعْمَلُونَ السَّيِّئَاتِ ۚ قَالَ يَا قَوْمِ هَٰؤُلَاءِ بَنَاتِي هُنَّ أَطْهَرُ لَكُمْ ۖ فَاتَّقُوا اللَّهَ وَلَا تُخْزُونِ فِي ضَيْفِي ۖ أَلَيْسَ مِنْكُمْ رَجُلٌ رَشِيدٌ 78
Pagsasalin:
Dumating sa kanya ang mga kababayan niya, na nag-aapura patungo sa kanya, at bago pa niyan sila dati ay gumagawa ng mga masagwa. Nagsabi siya: “O mga kababayan ko, ang mga ito ay mga babaing anak ko [para mapangasawa ninyo]; sila ay higit na dalisay para sa inyo. Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at huwag kayong magpahiya sa akin sa mga panauhin ko. Wala bang kabilang sa inyo na isang lalaking matino?” Hūd 11:78
Tafsīr:
Dumating kay Lot ang mga kababayan niya, na nagmamadaling naglalayon ng paggawa ng kahalayan sa mga panauhin niya. Bago pa niyon, ang kaugalian nila dati ay ang pagpatol sa mga lalaki dala ng pagnanasa sa halip na sa mga babae. Nagsabi si Lot habang nagtatanggol sa mga kababayan niya at humihingi ng paumanhin para sa sarili niya sa harap ng mga panauhin niya: "Ang mga ito ay mga babaing anak ko kabilang sa kabuuan ng mga kababaihan ninyo kaya magpakasal kayo sa kanila sapagkat sila ay higit na dalisay para sa inyo kaysa sa paggawa ng kahalayan. Saka mangamba kayo kay Allāh at huwag kayong magdulot sa akin ng kapintasan sa mga panauhin ko. Wala bang kabilang sa inyo, O mga kababayan ko, na isang lalaking may tamang pag-iisip na sasaway sa inyo sa pangit na gawaing ito?"
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Hūd • Talata 77 Susunod Hūd • Talata 79