Noong dumating ang mga [anghel na] sugo Namin kay Lot, [na nasa ayon ng mga binata,] sumama ang loob niya sa kanila, pinanikipan siya sa kanila ng dibdib, at nagsabi: “Ito ay isang araw na nakaririndi.” Hūd 11:77 ⧉
Tafsīr:
Noong dumating ang mga anghel kay Lot na nasa anyo ng mga lalaking tao, ikinasama ng loob niya ang pagdating nila at sumikip ang dibdib niya dahilan sa pangamba sa kanila para sa mga kababayan niyang pumapatol sa mga lalaki dala ng pagnanasa sa halip na sa mga babae. Nagsabi si Lot: "Ito ay isang araw na matindi," dahil sa pagpapalagay niya na ang mga kababayan niya ay makikipanaig sa kanya sa mga panauhin niya.