Surah Hūd (Hud — هود) (Talata 81)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




11 Hūd(هود), Talata 81

قَالُوا يَا لُوطُ إِنَّا رُسُلُ رَبِّكَ لَنْ يَصِلُوا إِلَيْكَ ۖ فَأَسْرِ بِأَهْلِكَ بِقِطْعٍ مِنَ اللَّيْلِ وَلَا يَلْتَفِتْ مِنْكُمْ أَحَدٌ إِلَّا امْرَأَتَكَ ۖ إِنَّهُ مُصِيبُهَا مَا أَصَابَهُمْ ۚ إِنَّ مَوْعِدَهُمُ الصُّبْحُ ۚ أَلَيْسَ الصُّبْحُ بِقَرِيبٍ 81 ٨١

Nagsabi sila: “O Lot, tunay na kami ay mga sugo ng Panginoon mo. Hindi sila aabot sa iyo, kaya lumisan ka kasama ng mag-anak mo sa isang bahagi ng gabi at huwag lilingon kabilang sa inyo ang isa man, maliban ang maybahay mo; tunay na tatama sa kanya ang tatama sa kanila. Tunay na ang tipanan nila [sa kapahamakan] ay sa umaga. Hindi ba ang umaga ay malapit na?” (81)

Tafsīr
Nagsabi ang mga anghel kay Lot – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "O Lot, tunay na kami ay mga sugo na isinugo ni Allāh. Hindi makapagpapaabot sa iyo ang mga kababayan mo ng isang kasagwaan. Kaya lumisan ka kasama ng mag-anak mo mula sa pamayanang ito sa gabi sa isang madilim na oras. Huwag titingin ang isa sa inyo sa likuran niya, maliban ang maybahay mo; lilingon ito bilang pagsalungat dahil sasapit dito ang sasapit sa mga kababayan mo na pagdurusa. Tunay na ang tipanan ng pagpapahamak sa kanila ay ang umaga. Ito ay tipanang malapit na."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba