Surah Hūd (Hud — هود) (Talata 84)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




11 Hūd(هود), Talata 84

وَإِلَىٰ مَدْيَنَ أَخَاهُمْ شُعَيْبًا ۚ قَالَ يَا قَوْمِ اعْبُدُوا اللَّهَ مَا لَكُمْ مِنْ إِلَٰهٍ غَيْرُهُ ۖ وَلَا تَنْقُصُوا الْمِكْيَالَ وَالْمِيزَانَ ۚ إِنِّي أَرَاكُمْ بِخَيْرٍ وَإِنِّي أَخَافُ عَلَيْكُمْ عَذَابَ يَوْمٍ مُحِيطٍ 84 ٨٤

[Nagsugo sa] Madyan ng kapatid nilang si Shu`ayb. Nagsabi siya: “O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh; walang ukol sa inyo na anumang Diyos na iba pa sa Kanya. Huwag kayong magkulang sa takalan at timbangan. Tunay na ako ay nakakikita sa inyo na nasa isang kariwasaan at tunay na ako ay nangangamba para sa inyo sa isang pagdurusa sa isang araw na tagapaligid. (84)

Tafsīr
Nagsugo Kami sa Madyan ng kapatid nila na si Shu`ayb. Nagsabi siya: "O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh lamang; wala na kayong anumang sinasambang nagiging karapat-dapat sa pagsamba na iba pa sa Kanya. Huwag kayong magbawas sa pagtatakal at pagtitimbang kapag tumakal kayo para sa mga tao o tumimbang kayo para sa kanila. Tunay na ako ay nakakikita sa inyo na nasa isang kaluwagan sa panustos at biyaya kaya huwag kayong magpaiba laban sa inyo ng biyaya ni Allāh sa pamamagitan ng mga pagsuway. Tunay na ako ay nangangamba para sa inyo ng isang pagdurusa sa isang araw na sumasaklaw, na aabot sa bawat isa sa inyo, na hindi kayo makatatagpo mula roon ng isang matatakasan ni isang kalingaan."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba