Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nagsabi siya: “O mga kalipi ko, nagsasaalang-alang ba kayo kung ako ay nasa isang malinaw na patunay mula sa Panginoon ko at nagtustos Siya sa akin mula sa Kanya ng isang panustos na maganda? Hindi ako nagnanais na sumalungat sa inyo sa sinasaway ko sa inyo. Hindi ako nagnanais kundi ng pagsasaayos sa abot ng nakaya ko. Walang iba ang pagtutuon sa akin kundi sa pamamagitan ni Allāh. Sa Kanya ako nanalig at tungo sa Kanya ako nagsisising nanunumbalik. (88)
Tafsīr
Nagsabi si Shu`ayb sa mga kalipi niya: "O mga kalipi ko, magpabatid kayo sa akin tungkol sa kalagayan ninyo kung nangyaring ako ay nasa isang maliwanag na patotoo mula sa Panginoon ko at isang pagkakatalos mula sa Kanya at nagtustos Siya sa akin mula sa Kanya ng isang panustos na ipinahihintulot, na kabilang dito ang pagkapropeta. Hindi ako nagnanais na sumaway sa inyo sa isang bagay at sumalungat sa inyo sa paggawa nito. Hindi ako nagnanais kundi ng pagsasaayos sa inyo sa pamamagitan ng pag-aanyaya sa inyo tungo sa paniniwala sa kaisahan ng Panginoon ninyo at pagtalima sa Kanya sa abot ng kakayahan ko. Walang iba ang pagtutuon sa akin sa pagtamo niyon kundi sa pamamagitan ni Allāh – kaluwalhatian sa Kanya. Sa Kanya lamang ako nanalig sa lahat ng mga nauukol sa akin at tungo sa Kanya ako babalik.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: