Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Hūd — Talata 88 (Tagalog) — Bidyo

Hūd • Talata 88 sa 123 • Tagalog


قَالَ يَا قَوْمِ أَرَأَيْتُمْ إِنْ كُنْتُ عَلَىٰ بَيِّنَةٍ مِنْ رَبِّي وَرَزَقَنِي مِنْهُ رِزْقًا حَسَنًا ۚ وَمَا أُرِيدُ أَنْ أُخَالِفَكُمْ إِلَىٰ مَا أَنْهَاكُمْ عَنْهُ ۚ إِنْ أُرِيدُ إِلَّا الْإِصْلَاحَ مَا اسْتَطَعْتُ ۚ وَمَا تَوْفِيقِي إِلَّا بِاللَّهِ ۚ عَلَيْهِ تَوَكَّلْتُ وَإِلَيْهِ أُنِيبُ 88
Pagsasalin:
Nagsabi siya: “O mga kalipi ko, nagsasaalang-alang ba kayo kung ako ay nasa isang malinaw na patunay mula sa Panginoon ko at nagtustos Siya sa akin mula sa Kanya ng isang panustos na maganda? Hindi ako nagnanais na sumalungat sa inyo sa sinasaway ko sa inyo. Hindi ako nagnanais kundi ng pagsasaayos sa abot ng nakaya ko. Walang iba ang pagtutuon sa akin kundi sa pamamagitan ni Allāh. Sa Kanya ako nanalig at tungo sa Kanya ako nagsisising nanunumbalik. Hūd 11:88
Tafsīr:
Nagsabi si Shu`ayb sa mga kalipi niya: "O mga kalipi ko, magpabatid kayo sa akin tungkol sa kalagayan ninyo kung nangyaring ako ay nasa isang maliwanag na patotoo mula sa Panginoon ko at isang pagkakatalos mula sa Kanya at nagtustos Siya sa akin mula sa Kanya ng isang panustos na ipinahihintulot, na kabilang dito ang pagkapropeta. Hindi ako nagnanais na sumaway sa inyo sa isang bagay at sumalungat sa inyo sa paggawa nito. Hindi ako nagnanais kundi ng pagsasaayos sa inyo sa pamamagitan ng pag-aanyaya sa inyo tungo sa paniniwala sa kaisahan ng Panginoon ninyo at pagtalima sa Kanya sa abot ng kakayahan ko. Walang iba ang pagtutuon sa akin sa pagtamo niyon kundi sa pamamagitan ni Allāh – kaluwalhatian sa Kanya. Sa Kanya lamang ako nanalig sa lahat ng mga nauukol sa akin at tungo sa Kanya ako babalik.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Hūd • Talata 87 Susunod Hūd • Talata 89