O mga kalipi ko, huwag ngang mag-udyok sa inyo ang pakikipaghidwaan sa akin, na tumama sa inyo ang tulad sa tumama sa mga tao ni Noe o mga kalipi ni Hūd o mga kalipi ni Ṣāliḥ. Ang mga kababayan ni Lot mula sa inyo ay hindi malayo. Hūd 11:89 ⧉
Tafsīr:
O mga kalipi ko, huwag ngang magbubuyo sa inyo ang pangangaway sa akin sa pagpapasinungaling sa inihatid ko, sa pangambang baka may umabot sa inyo na pagdurusang tulad ng umabot sa mga tao ni Noe o mga kalipi ni Hūd o mga kalipi ni Ṣāliḥ. Ang mga kababayan ni Lot mula sa inyo ay hindi malayo sa panahon ni sa lugar. Nalaman na ninyo ang tumama sa kanila kaya magsaalang-alang kayo.