Surah Hūd (Hud — هود) (Talata 92)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




11 Hūd(هود), Talata 92

قَالَ يَا قَوْمِ أَرَهْطِي أَعَزُّ عَلَيْكُمْ مِنَ اللَّهِ وَاتَّخَذْتُمُوهُ وَرَاءَكُمْ ظِهْرِيًّا ۖ إِنَّ رَبِّي بِمَا تَعْمَلُونَ مُحِيطٌ 92 ٩٢

Nagsabi siya: “O mga kalipi ko, ang angkan ko ba ay higit na kagalang-galang sa inyo kaysa kay Allāh at naglagay kayo sa Kanya sa likuran ninyo sa likod? Tunay na ang Panginoon ko sa anumang ginagawa ninyo ay Tagapaligid. (92)

Tafsīr
Nagsabi si Shu`ayb sa mga kalipi niya: "O mga kalipi ko, ang angkan ko ba ay higit na marangal sa inyo kaysa kay Allāh na Panginoon ninyo? Umiwan kayo kay Allāh sa likuran ninyo nang pabalibag nang hindi kayo sumampalataya sa propeta Niya na ipinadala Niya sa inyo. Tunay na ang Panginoon ko, sa anumang ginagawa ninyo, ay Tagasaklaw: walang nakakukubli sa Kanya na anuman sa mga gawa ninyo. Gaganti Siya sa inyo sa mga ito sa Mundo sa pamamagitan ng pagpapahamak at sa Kabilang-buhay sa pamamagitan ng pagdurusa.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba