Nagsabi siya: “O mga kalipi ko, ang angkan ko ba ay higit na kagalang-galang sa inyo kaysa kay Allāh at naglagay kayo sa Kanya sa likuran ninyo sa likod? Tunay na ang Panginoon ko sa anumang ginagawa ninyo ay Tagapaligid. Hūd 11:92 ⧉
Tafsīr:
Nagsabi si Shu`ayb sa mga kalipi niya: "O mga kalipi ko, ang angkan ko ba ay higit na marangal sa inyo kaysa kay Allāh na Panginoon ninyo? Umiwan kayo kay Allāh sa likuran ninyo nang pabalibag nang hindi kayo sumampalataya sa propeta Niya na ipinadala Niya sa inyo. Tunay na ang Panginoon ko, sa anumang ginagawa ninyo, ay Tagasaklaw: walang nakakukubli sa Kanya na anuman sa mga gawa ninyo. Gaganti Siya sa inyo sa mga ito sa Mundo sa pamamagitan ng pagpapahamak at sa Kabilang-buhay sa pamamagitan ng pagdurusa.