Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Hūd — Talata 91 (Tagalog) — Bidyo

Hūd • Talata 91 sa 123 • Tagalog


قَالُوا يَا شُعَيْبُ مَا نَفْقَهُ كَثِيرًا مِمَّا تَقُولُ وَإِنَّا لَنَرَاكَ فِينَا ضَعِيفًا ۖ وَلَوْلَا رَهْطُكَ لَرَجَمْنَاكَ ۖ وَمَا أَنْتَ عَلَيْنَا بِعَزِيزٍ 91
Pagsasalin:
Nagsabi sila: “O Shu`ayb, hindi kami nakauunawa sa marami sa sinasabi mo. Tunay na kami ay talagang nagtuturing sa iyo sa gitna namin bilang mahina. Kung hindi dahil sa angkan mo, talaga sanang binato ka namin. Ikaw sa amin ay hindi isang kagalang-galang.” Hūd 11:91
Tafsīr:
Nagsabi ang mga kalipi ni Shu`ayb kay Shu`ayb: "O Shu`ayb, hindi kami nakaiintindi sa marami sa inihatid mo. Tunay na kami ay talagang nagtuturing sa iyo sa gitna namin bilang may kahinaan dahil sa dumapo sa mata mo na kahinaan o pagkabulag. Kung hindi dahil ang angkan mo ay nasa kapaniwalaan namin, talaga sanang pinatay ka namin sa pamamagitan ng paghagis ng bato. Hindi ka sa amin isang kagalang-galang upang masindak kami sa pagpatay sa iyo. Nagsaisang-tabi lamang kami ng pagpatay sa iyo bilang paggalang sa angkan mo."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Hūd • Talata 90 Susunod Hūd • Talata 92