Surah Yūsuf (Jose — يوسف) (Talata 108)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




12 Yūsuf(يوسف), Talata 108

قُلْ هَٰذِهِ سَبِيلِي أَدْعُو إِلَى اللَّهِ ۚ عَلَىٰ بَصِيرَةٍ أَنَا وَمَنِ اتَّبَعَنِي ۖ وَسُبْحَانَ اللَّهِ وَمَا أَنَا مِنَ الْمُشْرِكِينَ 108 ١٠٨

Sabihin mo: “Ito ay landas ko. Nag-aanyaya ako tungo [sa pagsamba] kay Allāh batay sa isang pagkatalos, ako at ang sinumang sumunod sa akin. Kaluwalhatian kay Allāh! Hindi ako kabilang sa mga tagapagtambal.” (108)

Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo, sa sinumang inaanyayahan mo: "Ito ay daan ko na nag-aanyaya ako sa mga tao tungo rito. Ayon sa katwirang maliwanag, nag-aanyaya tungo roon ako at nag-aanyaya tungo roon ang sinumang sumunod sa akin, napatnubayan sa patnubay ko, at nagsabuhay sa kalakaran ko. Kaluwalhatian kay Allāh higit sa anumang iniugnay sa Kanya kabilang sa anumang hindi nababagay sa kapitaganan sa Kanya o sumasalungat sa kalubusan Niya. Hindi ako kabilang sa mga tagapagtambal kay Allāh, bagkus ako ay kabilang sa mga naniniwala sa kaisahan Niya – kaluwalhatian sa Kanya."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba